BULGAR

May 9, 2022

Sabay sa araw ng eleksiyon... Sunog malapit sa public school sa Iloilo

ni Zel Fernandez | May 9, 2022

Kasagsagan ng eleksiyon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa Iloilo City nitong umaga ng Mayo 9.

Pasado alas-5:00 ng umaga, naalarma sa sunog ang mga residente sa isang bahagi ng Brgy. Rizal La Paz, Iloilo City, hindi kalayuan sa La Paz Elementary School.

Sa nabanggit na paaralan nagsasagawa ng halalan kaya agad ding rumesponde ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang maapula ang apoy.

Kasalukuyan nang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at ang bilang ng mga apektadong residente.

    0