BULGAR

Sep 28, 2020

Rose Leslie at Kit Harington ng 'Game of Thrones,' magkaka-baby na!

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 28, 2020

Inilantad ng Game of Thrones actress na si Rose Leslie na gumanap bilang "Ygritte" ang kanyang baby bump sa photoshoot ng “Make Magazine.”

Makikita ang photos ni Leslie sa Instagram account ng Ursula Lake, founder ng “Make Magazine.”

Sa photo ni Leslie, mababasa ang caption na: “A very special all woman team photographic shoot capturing Rose at this wonderful time as she prepares for motherhood for the first time!"

Na-engaged si Leslie sa kanyang co-star ng “Game of Thrones” na si Kit Harington noong 2017 at nagpakasal ang dalawa noong 2018.

    0