BULGAR

Jun 29, 2021

Pusher, dedbol sa shootout

@Balitang Probinsiya | June 29, 2021

COTABATO CITY—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion 6.

Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Ahmad Abdulatip, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.

Nabatid na darakpin sana ng mga awtoridad si Abdulatip sa buy-bust operation pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.

Dahil dito agad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.

Nakakumpiska ang pulisya ng baril, mga bala at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

    0