BULGAR

Feb 1, 2022

Pumalag na bigtime tulak, tepok

@Balitang Probinsiya | February 1, 2022

CAVITE–Patay ang bigtime na drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Timalan, Naic.

Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Diego Flores, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.

Nabatid na darakpin sana ng mga operatiba si Flores sa buy-bust operation pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga operatiba, kaya napatay ang suspek.

Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

    0