BULGAR

Aug 6, 2020

Pugot na ulo, natagpuan

@Balitang Probinsiya | August 6, 2020

ISABELA—Isang pugot na ulo ng hindi kilalang lalaki ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Batal, Santiago City.

Ang biktima ay kasalukuyan pang kinilala ng pulisya.

Nabatid na ilang residente ang nakakita sa pugot na ulo ng biktima na nakalagay sa sako sa nabanggit na barangay.

Kaagad itong ini-report ng mga residente sa pulisya at sa kasakukuyan ay nasa punerarya na ang pugot na ulo ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa katawan ng biktima at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng may gawa ng karumal-dumal na krimen.

    0