BULGAR

Dec 5, 2021

Pingris, bomalabs sa MPBL; UFC Boss, positive sa COVID

ni VA / MC - @Sports | December 05, 2021

Ang dapat sana'y pagbabalik aktìbong paglalaro ni Philippine Basketball Association (PBA) legend Marc Pingris buhat sa retirement ay hindi na matutuloy.
 

 
Nakatakda sanang lumaro si Pingris sa koponan ng Nueva Ecija Rice Vanguards sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Pero nagbago ang isip ng 9-time PBA champion at 3-time Defensive Player of the Year."I'm not ready yet. I need to be in tip-top condition before I come back from retirement," ani Pingris.
 

 
Dalawang taon ng retirado at hindi naglalaro ang 2-time PBA Finals MVP at miyembro ng PBA's 40 Greatest Players. Ang totoo, nakapag-ensayo na si Pingris kasama ng koponan ng Nueva Ecija. Pero matapos ang kanyang personal assessment, napagtanto nyang hindi agad maibabalik ang kanyang playing form.

Samantala, nagpositibo si UFC President Dana White sa COVID-19. Sa panayam ng Jim Rome Podcast, inihayag ng UFC big boss na siya maging ang kanyang buong pamilya ay tinamaan ng virus makaraang bumisita sa Maine. “We just went up to my place in Maine for Thanksgiving. It’s a tradition we go up there and somebody had it. We get back and we all tested positive for COVID,” saad ni White. “Literally the whole family and my family up in Maine, too.”

Ayon kay White, alam aniyang may COVID na siya bago pa man na-test dahil nawalan siya ng pang-amoy at panlasa pagkauwi niya ng bahay.

    0