BULGAR

Jul 11, 2020

Piktyur nina Marvin at Markki na magkatabi sa kama, pinagpipiyestahan ng mga netizens

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2020

Kalat na sa social media ang piktyur nina Marvin Agustin at Markki Stroem kung saan

makikitang magkatabi sa kama ang dalawa.

Matagal nang nali-link ang dalawa at madalas din silang makitang magkasama noon.

Ngunit matatandaang itinanggi na noon nina Marvin at Markki ang diumano’y espesyal na relasyong namamagitan sa kanila.

Ngayong muling nabuhay ang isyu at may kumalat pang larawang pinagpipiyestahan na ng mga netizens, as of this writing ay tahimik pa rin ang kampo nina Marvin at Markki tungkol dito.

Pero mas makabubuti kung mabibigyang-linaw nila ang tungkol dito.

    0