BULGAR

Apr 25

Pera, ‘wag problemahin para ‘di magkasakit

@Editorial | April 25, 2024

Pera ang problema ng karamihan sa atin at isa ito sa nagbibigay ng malalang stress sa isang tao. 

Base sa isang pag-aaral, maaaring mauwi sa iba’t ibang sakit ang labis na pag-iisip o problema sa pera.

Ayon sa isang psychologist, pito sa 10 Pilipino ang nahihirapan sa pagba-budget ng gagastusin. 

Ang masaklap pa rito, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng anxiety, depression, heart disease, high blood pressure, o kamatayan.

Nabatid pa na higit na mas matindi ang epekto ng problema sa pera kumpara sa iba pang problema na dinaranas ng tao gaya ng pagpanaw ng mahal sa buhay, hiwalayan, at iba pa.

Kabilang umano sa mga sintomas nito ay pagkabalisa at pananakit ng ulo dahil sa labis na stress.

Ang payo ng mga eksperto para maiwasan ang stress na dulot ng pera ay magkaroon

ng kaalaman sa financial management o financial literacy, at magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan.

Ipinayo rin na magpatingin sa mental health professionals dahil sila ang higit na nakakaalam para maibalik ang ating emotional stability.

Iwasan na rin ang pagkakaroon ng maraming utang upang hindi mabaon, at matutong magbayad sa tamang oras sa pinagkakautangan para maiwasan ang dagdag na gastos kapag nagkaroon ito ng interes o penalty kung hindi agad nababayaran.

Sa hirap ng buhay, matuto na tayong magtipid

    0