BULGAR

Mar 8, 2021

Pahinante, nagulungan ng trak, patay

ni Mary Gutierrez AlmiraƱez | March 8, 2021

Patay ang isang pahinante matapos magulungan ng trak sa Congressional Avenue Extension, Quezon City kaninang madaling-araw, Marso 8.

Ayon sa ulat, bumaba ang pahinante sa trak upang tanggalin ang plastic barrier na nakaladkad ng kanilang sasakyan at sa pagbaba nito ay dalawang lalaki na taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) umano ang humahabol din sa trak at isa sa kanila ang tumulak at sumuntok sa pahinante na naging dahilan para matalisod ito at matumba sa harapan ng umaandar na trak.

Huli na rin nang mapansin ng drayber na si Allan Pagustan na nagulungan niya ang kanyang pahinante.

Kaagad naman siyang sumuko sa awtoridad para harapin ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na taga-DPWH.

    0