BULGAR

Sep 25, 2021

Opisyal ng Pharmally, ililipat sa Pasay City Jail

ni Jasmin Joy Evangelista | September 25, 2021

Iniutos ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na tuluyan nang dalhin si ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Linconn Ong sa Pasay City Jail at doon ikulong.

Ito ay matapos mapuno ng mga mambabatas sa patuloy na pag-iwas at pagsisinungaling umano ni Ong.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Senado si Ong matapos patawan ng contempt at ipaaresto ng Senado dahil din sa pagiging mailap sa mga tanong ng mga mambabatas.

“Pagod na rin ako eh, the Chair orders upon motion of Senator Lacson, Drilon, Hontiveros and Pangilinan as approved by the Senate President… Chair orders the Sergeant-at-arms transfer this man to Pasay City Jail,” utos ni Gordon.

    0