BULGAR

Mar 25

Negosyante, pinagsasaksak ng driver

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 25, 2024

CAVITE -- Isang negosyante ang sugatan nang pagsasaksakin ng isang tricycle driver kamakalawa sa Brgy. Salinas 1, Bacoor City sa lalawigang ito.

 

Pansamantalang hindi na muna pinangalanan ang biktima at ang suspek habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad.

 

Ayon sa ulat, habang namamasada ng tricycle ang suspek ay binato ito ng bato ng suspek.

 

Sa galit ng suspek ay umuwi ito at kumuha ng patalim, saka binalikan ang biktima at pinagsasaksak ito sa katawan.

 

Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang kaagad na nadakip ng mga otoridad sa follow-up operation ang suspek.

    0