BULGAR

Mar 24, 2023

Nakamamatay na virus, kumakalat

nina Carlos Corpuz at Jenny Rose Albason (OJT) | March 24, 2023

Inihayag ng Tanzania ang unang pagkalat ng nakamamatay na Marburg Virus Disease (MVD), matapos maitala ang limang pagkamatay, may tatlong karagdagang kaso pa uli ang naiulat sa isang ospital sa Tanzania.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nagsagawa na ito ng contact tracing, at natukoy na umano ang 161-katao na ang nasa panganib ng impeksyon ngayon.

Kung kaya’t gumawa na ng aksyon ang gobyerno ng emergency response team at pinaigting na rin ang seguridad ng mga kalapit na bansa upang hindi na kumalat pa.

Sinabi ni Matshidiso Moeti, regional director ng WHO para sa Africa na, “The efforts by Tanzania’s health authorities to establish the cause of the disease is a clear indication of the determination to effectively respond to the outbreak,”

Dagdag pa niya, “We are working with the government to rapidly scale up control measures to halt the spread of the virus and end the outbreak as soon as possible.”

    0