BULGAR

Jan 29, 2022

Minnie Mouse nagsuot ng pantsuit sa kauna-unahang pagkakataon

ni Jasmin Joy Evangelista | January 29, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsuot ng pantsuit si Minnie Mouse sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng Disneyland Paris.

Ipinakita ng Disneyland Paris ang suot ni Minnie Mouse sa isang tweet nitong Biyernes kung saan sa halip na ang kanyang signature red-and-white dress ay blue-and-black polka-dotted pantsuit at bow na likha ni Stella McCartney ang kanyang suot.

"Stella McCartney has designed Minnie Mouse's very first pantsuit, and it's gorgeous," ayon sa tweet na may hashtag na #DisneylandParis30.

Habang isinusulat ito ay umabot na ito sa mahigit 21,900 likes at 3,200 retweets

    0