BULGAR

Apr 24

Mga batang ina, bibigyan ng psychosocial support — DSWD

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 24, 2024

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules na kanilang bibigyan ng psychosocial support at iba pang mga tulong ang mga batang ina at kanilang mga karelasyon upang gabayan sila sa pagsisimula ng kanilang pamilya.

Tinatawag na "ProtecTEEN" ang programa, na isang modelo ng interbensyong panlipunan upang protektahan ang mga karapatan at kalusugan sa kaisipan ng mga batang ina at kanilang pamilya.

Kasama sa serbisyo ng programa ang mga family healing sessions, family case management, mga livelihood at educational assistance.

Nilalayon ng inisyatibo ng DSWD na magbigay ng serbisyo sa mga batang ina na may edad na 10 hanggang 19, kasama ang kanilang mga kapareha, magulang, mga anak, at iba pang miyembro ng kanilang tahanan.

    0