BULGAR

Aug 23, 2023

Mga advertising billboard sa Iraq na-hack, porn movies, ipinalabas

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 23, 2023

Ipinahinto ng mga awtoridad sa Iraq ang mga electronic advertising billboard sa Baghdad matapos na ito ay pasukin ng hackers.

Ipinalabas ng mga hackers ang ilang pornographics na pelikula sa isa sa mga billboard na kanilang na-hack.

Nangyari ang pagpapalabas ng malaswang pelikula sa billboard sa Uqba bin Nafeh Square, ang lugar na pinupuntahan ng maraming tao.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.

    0