BULGAR

Dec 22, 2021

Matapos makansela noong nakaraang lingo… Miss World coronation night, sa Marso 16, 2022 na gaganapin

ni Jasmin Joy Evangelista | December 22, 2021

Matapos makansela ang grand coronation event noong nakaraang Linggo, inanunsiyo ng Miss World organizers na itutuloy ang coronation night ng pageant sa March 16, 2022.

Inanunsiyo ito ng organisasyon sa social media at sinabi na gaganapin pa rin ito sa Puerto Rico, tulad ng nauna nang plano.

“We are so excited that we are staying in Puerto Rico to crown the new Miss World!” pahayag ni Julia Morley, president ng Miss World Ltd.

“Our team is thrilled that we will show all the wonders that Puerto Rico has to offer as a premier tourism destination to the entire world. We love Puerto Rico," dagdag pa niya.

Batay sa announcement, ang content na kanila nang pre-recorded and taped sa Puerto Rico nitong Disyembre ay ipapakita pa rin internationally sa finale show.

Samantala, ang mga tickets na nabili na para sana noong Disyembre 16 ay maaari pa ring gamitin.

    0