BULGAR

Apr 24

Marian at Dingdong, gagawaran ng espesyal na pagkilala sa FAMAS

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | April 24, 2024

Gagawaran ng espesyal na pagkilala sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ngayong taon.

Pareho silang tatanggap ng FAMAS Bida sa Takilya Award, na ibinibigay sa mga nangungunang bida sa mga blockbuster na pelikula. Para sa DongYan, makakamit nila ang parangal dahil sa pelikulang "Rewind."

Matatandaang naitala ang "Rewind" bilang "highest-grossing Filipino film of all time" sa domestic sales ng 'Pinas.

Ang kwento ng pelikula ay tungkol sa lalaking namatayan ng asawa sa panahon ng mga pagsubok sa kanilang pagsasama. Matapos ang trahedya, nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na bumalik sa nakaraan kung saan maaari niyang ayusin ang kanilang relasyon.

Sa ngayon, maaaring mapanood ang “Rewind” sa Netflix.

Gaganapin naman ang FAMAS Awards sa Mayo 26 sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.

    0