BULGAR

Apr 22

Mangingisda, binugbog ng 3 kasamahang mangingisda

News @Balitang Probinsiya | April 22, 2024

Quezon — Isang mangingisda ang binugbog ng tatlong kasamahan niyang mangingisda sa fishing vessel na nakadaong sa baybaying dagat na sakop ng Brgy. Ungos, Real sa lalawigang ito.

Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang biktima at ang tatlong suspek na pawang residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang tatlong suspek na humantong para pagtulungan ang biktimang bugbugin.

Natigil lang ang pambubugbog nang awatin ng ibang mangingisda ang tatlong suspek.

Matapos nito ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at inireklamo ang tatlong suspek na pawang nahaharap sa kasong serious physical injury.

    0