BULGAR

Dec 13, 2020

Mana sa Lola Nora, Best Actress sa Gawad Urian…JANINE, ITINAOB ANG MADIR NA SI LOTLOT

ni Oghie Ignacio - @Stars Connection | December 13, 2020

Tumaas daw ang star value ni Janine Gutierrez ngayon bilang contract star ng Kapuso Network o GMA-7 dahil tila nakahukay sila ng ginto sa anak ni Lotlot de Leon.

Mula nang manalong Best Actress si Janine sa nakaraang Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa performance niya sa pelikulang Babae at Baril ay napatunayang may malaki siyang potensiyal sa pagiging tunay na aktres.

Nadaig pa niya ang mommy niyang si Balot na wala pang award na napapanalunan sa hanay ng mga kritiko. Kaya kantiyaw ng mga miron kay Janine, mukhang namana niya ang husay sa pag-arte sa lola niyang si Nora Aunor at hindi sa sariling mommy na si Lotlot.

Talbooog!

    0