BULGAR

Apr 17

Makasama lang ang ex mo, Daniel… ALDEN, INISNAB ANG 3 AWARDS PARA KAY KATHRYN

ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 17, 2024

May mga nagre-react na posibleng sinagot na o baka "sila na" kung hindi man ay naka-first base na si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.

Sa naibalita kasing pagbababad ni Alden sa house warming nina Kath, nakasabay pala nito ang awarding ng isang Esport, kung saan may reported 3 awards na napanalunan si Alden.

Gamer din kasi si Alden at isa nga ito sa mga personal niyang ine-enjoy gawin outside showbiz.

Hindi na rin naman birong pera ang ginugugol ni Alden sa hobby niyang ito. At since nabibigyan din sila ng recognition, isa nga si Alden sa mga biggest winners this year.

Pero 'yun na nga, imbes na dumalo at tanggapin ang sinasabing 3 awards niya, mas pinili nga niyang puntahan ang house warming nina Kath sa Antipolo and yes,

makisaya, mag-enjoy at magbabad kasama ang sinasabing 'jowa' na umano niyang aktres.

    0