BULGAR

Jan 17, 2021

Magsasaka sinaksak ng utol

@Balitang Probinsiya | January 17, 2021

PANGASINAN—Isang 36-anyos na magsasaka ang sugatan nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid kamakalawa sa Bgy. Poblacion East, Sta. Maria.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rene Cambe samantalang ang suspek ay ang kapatid nitong si Jonard, 22-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Matapos ang pananaksak ay nagtangkang tumakas si Jonard, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng pulisya.

Kasalukuyan nang ginagamot sa ospital ang biktima.

    0