BULGAR

Apr 3

Magsasaka, pinagtataga ng utol

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 3, 2024

ILOILO -- Isang 33-anyos na magsasaka ang sugatan nang pagtatagain ng kanyang nakatatandang kapatid kamakalawa sa Brgy. Bantud Fabrica, Dumangas sa lalawigang ito.

Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng biktima at suspek, na kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong para pagtatagain ng suspek ang biktima na tinamaan sa leeg, balikat at katawan.

Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital at kasalukuyang inoobserbahan.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong attempted parricide.

    0