BULGAR

Jul 9, 2020

Mag-ingat ang mga nais lumaban kay Pacman

ni ATD - @Sports | July 9, 2020

Humahanga si Mexican-American boxing trainer Roberto Garcia kay eight-division world champion Manny Pacquiao dahil kahit may edad na ito ay mabilis at malakas ang Pambansang Kamao.

Binigyan ng babala ni Garcia ang mga nais lumaban kay fighting senator Pacquiao na mag-ingat ito'y dahil bukod sa karanasan ay may lakas at bilis pa ang Pinoy pug.

Naglabasan ang balita nitong nakaraan na nais ni American trainer Freddie Roach na makuha ni Pacquiao ang ikasiyam na titulo sa panibagong dibisyon.

Kaya kailangan ni Pacquiao na harapin si Gennady Golovkin na kasalukuyang nagmamay-ari ng International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) middleweight title. “His speed man. He’s very fast and does have r­eally good footwork and you know in and out or maybe he would try to exchange and make it into a brawl or try to knock out Triple G, (Golovkin),” ani Garcia.

Subalit alam ni Garcia na delikado para kay Pacquiao ang sagupain si Golovkin.

    0