BULGAR

Mar 25

Lolo, tinodas ng armado

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 25, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 81-anyos na lolo ang napatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Brgy. Camindangan, Sipalay City sa lalawigang ito.

 

Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang pangalan ng lolong biktima ng pamamaril. 

 

Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iigib ng tubig sa balon ang biktima nang sumulpot ang suspek at agad binaril sa likod ang lolo.

 

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

 

Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

    0