BULGAR

Feb 3, 2022

Live-in partners tiklo sa pagbebenta ng umano’y pekeng gamot

ni Jasmin Joy Evangelista | February 3, 2022

Arestado ang isang tricycle driver at live-in partner nito matapos umanong magbenta ng pekeng paracetamol sa Bay, Laguna. 

Ayon sa report, hinuli ang 2 suspek matapos nilang bentahan ang mga pulis na nagpanggap na buyer. 

Tatlong kahon ng paracetamol ang kanilang inorder at pinagdududahang peke ang mga ito dahil hindi sila nakapagpakita ng kaukulang dokumento at permit na nagpapatunay na mayroon silang pahintulot na makapagbenta ng mga ito.

Nakuha rin sa mga suspek ang anim pang kahon na may 900 capsules at tablets ng ibuprofen, paracetamol, mga gamot para sa sipon, higit 100 banig ng Loperamide, antacid, Mefenamic acid, at pain relievers.

Dadalhin ang mga ito sa Food and Drug Administration sa Muntinlupa City para sumailalim sa pagsusuri.

    0