BULGAR

Oct 29, 2023

Leni Robredo, Jessica Sojo, Ging Reyes, pinarangalan sa Fil-Am awards

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 29, 2023

Idinaos ang taunang pagkilala sa The Outstanding Filipino Awards bilang paggunita sa buwan ng Kasaysayan ng mga Filipino-American sa Los Angeles kamakailan.

Sa okasyon, nagsama-sama ang mga sikat na personalidad at isa sa naparangalan ay ang former Vice President Leni Robredo.

Ayon sa dating VP, meron silang kolektibong responsibilidad na unahin ang kapakanan ng mga kababayang Pilipino na patuloy na nangangalaga sa kapakanan ng iba at ng bayan.

Ilan pa sa mga pinarangalan ay sina Jessica Soho at si Ging Reyes.

Sa pahayag ni Soho, nagpaalala siya sa mga Fil-Am na patuloy lang dapat sa paniniwala sa kapangyarihan ng kwento upang makapagbigay liwanag, inspirasyon, at pag-asa sa iba.

    0