BULGAR

Apr 2

Laborer, tinodas ng kainuman

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 2, 2024

NEGROS OCCIDENTAL -- Isang laborer ang pinagbabaril at napatay ng kanyang nakaalitang kainuman kamakalawa sa Brgy. Hilub-ang, Calatrava sa lalawigang ito.

 

Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa dibdib at leeg ay nakilalang si Jun Pancho, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay. 

 

Sumuko naman sa pulisya ang hindi pinangalanang suspek na residente rin sa nasabing lugar.

 

Ayon sa mga otoridad habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong para pagbabarilin ng salarin ang biktima.

 

Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 

    0