BULGAR

Sep 24, 2020

Kuta ng mga terorista, ni-raid

@Balitang Probinsiya | September 24, 2020

MAGUINDANAO—Sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) kamakalawa sa bayan ng Ampatuan.

Ang sinalakay ng mga awtoridad ay ang kuta ng mga terorista sa bulubunduking lugar ng Bgy. Saniag sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, may nag-tip sa kuta ng mga terorista kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad, pero mabilis na nakatakas ang mga miyembro ng BIFF.

Napag-alamang nakarekober ang mga awtoridad ng iba’t ibang uri ng pampasabog sa kuta ng mga terorista.

Samantala, patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na miyembro ng BIFF.

    0