BULGAR

Apr 3

Komunistang NPA, nasakote

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 3, 2024

ALBAY -- Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa Pio Duran sa lalawigang ito.

Kinilala lang ng mga otoridad ang suspek sa alyas na “Ka Ramir”,  nasa hustong gulang at miyembro ng NPA na nakabase sa lalawigan.

Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni “Ka Ramir” kaya agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan at inaresto ang NPA.

Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng mga pampasabog, baril, mga bala at mga subersibong dokumento sa pag-iingat ng suspek. 

Sa ngayon ay isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon si “Ka Ramir” habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.

    0