BULGAR

Feb 20, 2021

Kim Kardashian, nagsampa ng divorce kay Kanye West

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 20, 2021

Nag-file ng divorce ang reality TV star na si Kim Kardashian sa asawang rapper na si Kanye West noong Biyernes, Pebrero 19.

Kinumpirma ng publicist ni Kim na nag-file ito ng divorce papers ngunit hindi binanggit ang dahilan, maliban sa hiningi nitong joint custody sa 4 nilang anak.

Noong May, 2014 nagpakasal sina Kim at Kanye na mas nakilala sa love team nilang “KimYe.”

    0