BULGAR

Apr 11, 2021

Kelot, nagbigti sa puno

@Balitang Probinsiya | April 11, 2021

AKLAN—Isang 25-anyos na lalaki ang nagbigti kamakalawa sa puno sa Manduyog Hill, Banga.

Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.

Napag-alamang tatlong batang naglalaro sa lugar ang nakakita sa nakabiting bangkay ng biktima sa puno at agad itong ini-report sa barangay hall.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalakad sa Manduyog Hill.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

    0