BULGAR

Feb 2, 2022

Kanta sa Disney animated film na “Encanto”… “We Don’t Talk About Bruno”, No. 1 sa Billboard Hot 100

ni Jasmin Joy Evangelista | February 2, 2022

Nanguna sa Billboard Hot 100 chart ang “We Don’t Talk About Bruno”, ang kanta sa Disney animated film na “Encanto”.

Ang kantang ito na isinulat ni Lin-Manuel Miranda ay umangat sa top spot mula sa pagiging No. 2 sa chart nitong February 1, 2022.

Ito rin ang kauna-unahang No.1 para sa American singer-songwriter at “Hamilton” star.

Ang “Encanto" (2021) ng Disney ay isang musical animated film tungkol sa isang extraordinary na pamilya sa Colombia na mayroong magical gifts maliban sa isang bata, si Mirabel.

Ang “We Don’t Talk About Bruno” ay itinanghal ng Madrigal family sa tinig nina Carolina Gaitán (Pepa), Mauro Castillo (Felix), Adassa (Dolores), Rhenzy Feliz (Camilo), Diane Guerrero (Isabela), Stephanie Beatriz at (Mirabel).

    0