BULGAR

Sep 24, 2020

Iloilo City, isinailalim sa MECQ

ni Twincle Esquierdo | September 24, 2020

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasailalim sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Iloilo City simula bukas, Setyembre 25 hanggang Oktubre 9.

Ayon kay Mayor Jerry TreƱas ng Iloilo City, isinailalim ito dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.

Sa tala ng Uswag Iloilo, nadagdagan ng 11 ang naapektuhan ng Covid-19 na umabot na sa 32.

Ang mga lugar na ito ay mula sa Bolilao-2, Alta Tierra Village, Quintin Salas-1, MH del Pilar, Jaro-2, NHA II, Mand-1, Magdalo-1, Jalandoni St.,Lourdes-1, Balabago-1, Tacas-1 at Baldoza-1.

Samantala, ayon kay Roque, dapat ihiwalay ang mga pasyenteng aktibo ng COVID-19 sa mga mild symptoms o asymptomatic at maaari ring i-home quarantine ang pasyente kung masusunod ang mga kondisyong iginawad ng Department of Health at Department of the Interior and Local Government Joint Administrative Order 2020-0001 at kung puno na ang mga isolation facilities sa mga local na pamahalaan.

    0