BULGAR

Mar 10

iKON, balik-'Pinas sa Abril

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 10, 2024

Bibisita ang South Korean idol group na iKON sa Pilipinas para sa isang solo concert sa Abril 2024.

Sa social media, ibinahagi ng concert promoter na CDM Entertainment ang isang clip ng K-pop group na nag-aanyaya sa mga Pinoy iKONICs na manood ng kanilang "Limited Tour - Get Back," sa Abril 7 sa Smart Araneta Coliseum.

Huling bumisita ang iKON sa bansa noong Agosto ng nakaraang taon para sa kanilang "Take Off in Manila" concert.

Binubuo ang grupo ng anim na miyembro na sina Jay, Bobby, Ju-ne, Song, DK, at Chan. Nag-debut sila noong 2015 sa kanta na "My Type," at sila ay kilala sa kanilang mga kanta na "Love Scenario" at "Killing Me."

    0