BULGAR

Nov 4, 2020

Ika-19 na gold medal, nasungkit ni Karateka De los Santos sa E-Series

ni VA - @Sports | November 4, 2020

Kahit nakamit na ang world no.1 ranking, hindi pa rin tumitigil si James delos Santos sa pagsabak sa mga world online karate circuit upang mapanatili ang kanyang pangunguna. Nito lamang nakaraang Lunes, muling nagwagi si De Los Santos sa e-Champions Trophy World Series para sa kanyang ika- 19 na gold medal.

Ginapi ni De los Santos si Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa, 25.2-23.7, upang makamit ang tagumpay sa kabuuang pang 34 na kompetisyon na kanyang nilahukan online mula noong Marso. Bunga ng panalo, tumatag ang 2-time SEAGames bronze medalist sa kanyang kapit bilang numero unong online karateka sa buong daigdig.

At gaya ng nauna niyang plano, sisikapin nyang panatilihin at patatagin pa ang pangingibabaw sa rankings. ā€œThere are 12 tournaments for this month and also for the Christmas season and Iā€™m planning to join all that, which means I will not be having a holiday break,ā€ ani delos Santos.

    0