BULGAR

Apr 4

HVT sa droga, dedo sa engkuwentro

@Balitang Probinsiya | ngayong Ika -4 ng Abril, 2024

DAVAO DEL SUR -- Isang High-Value Target (HVT) sa droga ang napatay sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Mintal, Davao City sa lalawigang ito.

Ang napatay na suspek ay nakilala lang sa alyas na “Timoy”, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat, dadakpin sana ng mga operatiba sa drug-bust operation ang suspek, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang mga otoridad.

Napag-alaman na agad gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan kaya napatay ang suspek.

Nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at baril sa pinangyarihan ng krimen.

    0