BULGAR

Apr 26

Horoscope | Abril 26, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 26 Araw ng Abril 2024

Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2024 (Biyernes): Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Bagkus, tutukan mo ang iyong ambisyon. Sa ganitong paraan, hahanga sila sa iyo. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, kailangan mong ipakita ngayon ang iyong katatagan. Kapag matatag ka, ang maliit na suwerte na nakalaan sa iyo ay magiging malaki. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-9-12-27-30-39. 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bigyan mo ang mga taong walang-wala. Ito ang batas ng pagpapala na nagsasabing kung sino ang hindi madamot sa kanilang kapwa ang siyang pagpapalain at makakatanggap ng mga biyaya.  Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-15-24-33-40-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Hindi mo ba napansin na may mga bagay kang nakuha na hindi mo naman pinaghirapan? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-23-31-35-40.

CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong maging emosyonal. Hindi maganda ang ganito para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-26-29-34-45. 

LEO (July 23-Aug. 22) - Malalaki ang para sa iyo kaya malalaking pagpapala ang magdaratingan sa iyo. Ang maliliit ay ipaubaya mo na lang sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-22-28-34-37.  

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Madaragdagan ang talino mo, pero mababawasa naman ang iyong pagiging alerto. Muli mong ibalik ang talas ng iyong pakiramdam nang sa gayun, mabilis kang umunlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-7-13-29-33-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumutok ka sa pagpapayaman. Marami ang maiinggit sa iyo, pero huwag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-17-22-26-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili. Ang madalas na pagkakamali ang magbibigay ng sakit at kalungkutan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-25-28-32-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahalaga ang pagtutok sa ambisyon, pero mahalaga rin ang nagsasaya kahit paminsan-minsan. Magandang balansehin ang iyong mga aktibidad sa dalawang aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-25-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panatilihin mo ang pagiging malinis. Maging huwaran ka sa iyong kapwa. Ito na mismo ang tulong mo sa mundo. Masuwerteng kulay-red.

Tips sa lotto-8-17-24-38-42-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong mainggit nang mainggit sila sa iyo. Mahirap paniwalaan na minsan, ang inggit ay isang malakas na puwersa para magsikap ang tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-22-27-34-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi matatapos ang pag-ikot ng mundo. Kaya hindi rin matatapos ang pagkakataong ika’y magtagumpay. Ito ang gawin mong panuntunan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-11-28-33-38-45.

    1