BULGAR

Apr 14

Horoscope | Abril 14, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-14 Araw ng Abril 2024

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 14, 2024 (Linggo): Mabilis kang mag-isip. Ito ang magiging dahilan kung bakit maiiwanan mo ang iyong mga kakompetensya. 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumutok ka sa iyong pinagkakakitaan at huwag sa ibang bagay, dahil ngayon ang pagkakataon upang magkaroon ng laman ang kaban ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-26-36-37-40.

 TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang tumulad sa iba na nakikipagsapalaran. Oo, makipagsapalaran ka, pero dapat malaki ang tsansa mong manalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-39-35-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka, pero hindi sa pakikipagsapalaran. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-27-31-34-40.

 CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ngayon ang barahang alas. Kung gagamitin mo ito, hindi ka matatalo, pero kung ito ay pananatilihin mo sa iyong kamay, ang tagumpay ay hindi mo makakamit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-18-20-28-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mo ang biglaang pagtulong sa iyong kapwa. Dahil mas malaki ang maitutulong mo sa mga taong nangangailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-15-25-39-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumaganda ang buhay mo dahil pabalik-balik ang mga oportunidad sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-21-27-38-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka na may kasamang sigla, kahit pa may pinagdaraanan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-24-34-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang papayag na talunin ka ng lungkot. Kumilos ka nang may saya kahit pa na ‘di ito totoo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-14-22-30-42-45.

 SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo kung saan ka kikita, hindi masama ang ganitong pananaw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-20-25-35-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Idagdag mo sa ipon ang ilang kita na makukuha mo ngayon. Ito ang gawin mo, at huwag kang tumulad sa iba na gastos nang gastos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-21-25-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka sa mga nakakasama mo, at piliin mong mabuti kung sino ang isasama mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-28-39-44.

 PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng manatili sa labas. Mag-swimming at palagi kang maligo. Gawin mo ito para manumbalik ang iyong lakas at suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-29-37-42-45.

 

 

    1