BULGAR

Nov 29, 2021

Higit 500K AstraZeneca doses na donasyon ng Poland, dumating na sa bansa

ni Jasmin Joy Evangelista | November 29, 2021

Dumating na ang 547,100 AstraZeneca COVID-19 doses na bigay ng Poland, nitong Linggo ng gabi.

Dahil dito, umabot na ng 142 milyon ang total COVID-19 vaccine supplies ng Pilipinas.

Ayon kay Polish Embassy Charge d’Affaires Jaroslaw Szczepankiewicz, ang donasyon na ito ay nagpapakita lamang ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ito ay maituturing din aniyang “expression” ng solidarity ng Poland sa mga Pilipino.

Lubos ang pasasalamat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa mga donasyonh ito na siyang gagamitin sa 3-day vaccination drive.

    0