BULGAR

Sep 25, 2020

Herbal medicines na ‘di ipinakonsulta sa doktor, delikado sa bato!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | September 25, 2020

Dear Doc. Shane,

Totoo ba na kapag madalas magkonsumo ng maalat na pagkain ang tao ay malaki ang chance na magkaroon ito ng problema sa bato? – Nina

Sagot

Kahit sino ay maaaring magkasakit sa bato, bata man o matanda kaya huwag ipagsawalang bahala ang mga nararamdaman.

Ano ang mga kondisyong nakapipinsala sa ating bato?

  • Diabetes

  • Hypertension

  • Sakit sa puso

  • Pag-inom ng mga non-steroidal anti-inflammatory drugs

  • Pag-inom ng ‘herbal medicine’

  • Paninigarilyo

  • Pagbigat ng timbang na higit pa sa naaayon na tangkad

  • Pagkakaroon ng kamag-anak na may sakit sa bato

  • Pagkakaroon ng mga bato na maaaring bumara sa daluyan ng ihi

  • Pamamaga ng ugat sa bato na maaaring nakuha sa impeksiyon sa lalamunan o balat

  • Pagkakaroon ng impeksiyon o pamamaga ng daluyan ng ihi at pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato at sa pantog

Ano ang mga sintomas ng sakit sa bato?

  • Pagmamanas ng mukha o buong katawan, at mga paa

  • Mabulang ihi na kulay tsaa

  • Pag-ihi ng madalas (3 beses) sa gabi

Ano ang mga sintomas kapag malala na ang sakit sa bato?

  • Pagkonti o pagkawala ng ihi

  • Hirap sa paghinga

  • Madalas na pagsakit ng tiyan

  • Kawalan ng ganang kumain

  • Pagkahilo at pagsusuka

  • Hirap sa pagtulog

  • Pangangati sa buong katawan

Paano ito maiiwasan?

  • Panatiliing normal ang asukal sa dugo (fasting blood sugar < 140 mg/dL)

  • Panatiliing mababa ang blood pressure (BP < 140/90 mmHg)

  • Uminom ng maraming tubig (dalawa hanggang tatlong litro kada araw)

  • Kumain ng tama

  • Umiwas sa maaalat na pagkain

  • Bawasan ang pagkonsumo ng alak

  • Tumigil sa paninigarilyo

  • Sikaping magkaroon ng regular na ehersisyo

  • Huwag iinom ng gamot/herbal nang walang payo ng doktor

  • Regular na mapagakonsulta sa doktor

    0