BULGAR

Jul 3, 2020

Fil-Am Mau sa IG, nanibago sa paghataw ng bola

ni ATD - @Sports | July 3, 2020

Matagal na natengga si Fil-Am Kalei Mau sa paglalaro ng volleyball.

Kaya naman sa Instagram story ni F2 Logistics cargo Movers star Mau nakitang parang naninibago ito sa paghataw ng bola sa buhanginan.

“First time playing volleyball in 4 months and the first time is back in the sand,” saad ni 25-year-old spiker Mau sa Instagram post niya.

Nasalto ang bakbakan sa Philippine Super Liga (PSL) dahil sa pamiminsala ng coronavirus.

Dahil tigil ang mga sporting events kasama ang ligang hinahatawan ng bola ay nagdesisyon si Mau na umuwi muna sa kanilang tirahan sa Hawaii.

Posibleng matatagalan ang pagbabalik ni Mau dahil plano nitong maglaro sa ibang liga sa Amerika kapag humupa na ang pag-atake ng COVID-19.

    0