BULGAR

Feb 25, 2021

Ex-Cong. Gullas, pumanaw na sa edad na 87

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 26, 2021

Pumanaw na ang dating congressman na si Jose “Dodong” Gullas ngayong Huwebes sa ospital sa Cebu City bandang alas-6:30 nang gabi, ayon sa Facebook post ng kanyang pamangkin na si Talisay CIty Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas.

Sa shared post ng naturang mayor, mababasang: “LATEST: It is with deep sadness that we announce the passing of The Freeman Chairman Jose ‘Dodong’ Gullas, today, February 25, 2021.

He was 87. Sir Dodong died at 6:30 PM at a hospital in Cebu City.” Saad ni Mayor Gullas, “You will forever be missed, Uncle.”

Samantala, hindi binanggit ng kaanak ng dating cong. ang dahilan ng pagkamatay nito.

Si Gullas ay naging executive vice- president ng University of the Visayas at nagsilbing chairman ng pahayagang The Freeman.

    0