BULGAR

Oct 17, 2023

Estudyante, dedo sa hazing

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 17, 2023

Matigas na at wala nang pulso ang isang 25-anyos na Criminology student na kinilalang si Ahldryn Bravante nang isugod sa ospital sa Quezon City nitong Lunes, Oktubre 16.

Pinaghihinalaang hazing ang ikinamatay ng biktima na ginawa sa isang abandonadong gusali sa Bgy. Sto. Domingo, Kyusi.

Lumabas sa imbestigasyong nawalan ng malay ang lalaki habang sumasabak sa matinding hazing ng fraternity group.

Nagbigay naman ng pahayag ang ama nito na si Alexander Bravante at sinabing Linggo pa ng gabi ang huling beses niyang nakausap ang anak at naghahangad ngayon ang kanilang pamilya na mabigyang-hustisya ang pagkawala ng binata.

Ngayon ay nasa poder ng Quezon City Police District ang dalawang nagsugod kay Bravante sa ospital at dalawa pang estudyanteng sumuko na sa batas.

    0