ffernandoangela

Apr 24

'Di raw nagawa dati, Gerald... JOSHUA AT JULIA, MAY KISSING SCENE NA SA COMEBACK MOVIE

ni Lucille P. Galon Trainee @Entertainment | April 24, 2024

Ini-reveal na through FB live ng ABS-CBN Star Cinema na ang JoshLia ang nasa likod ng teaser ad na "An Unexpected Comeback".

Sinabi ni Joshua Garcia na nag-YES agad siya sa project nila ni Julia nang ialok ito sa kanya.

Ani Julia, "I'm excited and happy" sa gagawin nilang movie na UN/HAPPY FOR YOU na ipapalabas bago matapos ang taong 2024.

Ang sey ng mga writers ay mas intense raw ang pain at sexiness ng movie na ito na about sa mag-ex.

Biro pa ni Joshua ay hindi raw sila mahihirapan ni Julia sa gagawing movie na dahilan para magtawanan ang lahat.

"They never kiss on screen" sabi ng isang sa mga writer, kaya mas gagawin daw nilang mature ang movie at iibahin ang atake at ang JoshLia raw ang perfect na gaganap sa nasabing pelikula simula pa noong sinusulat ito.

Kaya naman mga mars, abangan natin ito at sure na super-pakikiligin at paiiyakin na naman tayo nina Joshua at Julia sa kanilang comeback movie.

    0