BULGAR

Mar 26, 2023

'Di lang wife material .. MARCO, SINUWERTE KAY CRISTINE

ni Ambet Nabus @Let's See | March 26, 2023

Seryosong sinabi ni Marco Gumabao na wife material ang tingin niya kay Cristine Reyes, na presently ay nali-link sa kanya.

Marami man ang nagtaasan ng kilay, mukha namang proud at genuine ang anumang feelings ng hunk actor sa aktres.

The fact is, kino-consider pa ni Marco na may hatid na "good vibes at good luck charm" si Cristine sa kanyang work at career.

Bukod kasi sa halos sunud-sunod niyang projects, mapa-movies o TV, sinabi ng aktor na, "Magaan ang feeling mag-work. Hindi ko maramdaman ang pagod o stress."

Kaya naman daw sa set ng bagong comedy series nila ni Yassi Pressman na Kurdapya, positive at chill lang ang lahat.

"It’s always a great feeling and experience when you work having more positivity, less or no stress, simply because you feel good at dahil bitbit mo 'yung pakiramdam na genuinely, happy ka," hirit pa nito.

Sey ninyo, mga ka-Bulgar?

    0