BULGAR

Feb 20, 2021

Dahilan kung bakit pinupulikat

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 20, 2021

Dear Doc. Shane,

Madalas kapag ako ay nag-eehersisyo o naglalaro ng basketball ay pinupulikat ang aking binti. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o may problema sa akin? Ano ba ang sanhi nito? – Nick

Sagot

Sa leg cramps o pamumulikat, ang tinatamaan nito ay ang “calf muscles” sa binti. Ito ang muscle na madalas nating igina­galaw.

Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit pinupulikat ang tao:

  • labis na pag-eehersisyo o activities na masyadong pisikal

  • paulit-ulit na paggamit ng parehong muscle

  • nakatayo nang matagal

  • pag-upo nang hindi wasto o nakabaluktot ang dakong binti at paa

  • pagtulog na nakatutok ang electric fan o aircon sa mga binti

Samantala, kung pinupulikat habang lumalangoy, huwag mag-panic. Piliting mag-float lamang sa tubig habang nagaganap ito. Kapag tapos na ang atake ng pulikat, marahang ikampay ang mga paa hanggang sa makahingi ng tulong sa mga kasamahan.

Ang mga naglalaro ng basketball ay karaniwan ding pinupulikat. Matindi kasi ang pressure ng calf muscles habang nagba-basketball. Kung nagiging madalas ang atake ng pulikat, ma­iging magpa-blood test para sa level ng calcium sa dugo. Ang mababang level ng blood calcium na tinatawag na “hypocalcaemia” ang isa sa posibleng sanhi ng pamumulikat.

Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium tulad ng keso, dilis, gatas, at iba pang dairy products. Narito ang remedyo sa pamumulika:

Kung nararamdaman ang pagdating ng pamumulikat, lalo na kung natutulog, iunat lamang ang apektadong binti, at piliting higitin pataas ang dulong daliri ng paa. Kung nakaupo, iunat din ang buong binti’t paa at abutin ng kamay ang mga paa.

Hatakin ang dulong daliri ng mga paa papunta sa direksiyon ng katawan (toes pointing upwards). Panatilihin ang posisyon sa loob ng ilang minuto hangga’t may pulikat pa.

    0