BULGAR

Jan 18, 2022

Dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19… Marinduque muling maghihigpit sa border control

ni Jasmin Joy Evangelista | January 18, 2022

Muling maghihigpit sa border control ang Marinduque dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

"Nailagay po nga kami sa Alert Level 3 kaya po ang ating regulasyon sa aming border ay medyo naghihigpit na po," ani Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr. sa isang panayam.

Para sa mga papasok sa Marinduque, kailangan magpresinta ng resulta ng RT-PCR o antigen test ang mga unvaccinated at non-authorized persons outside residence.

Samantala, ang mga bakunado na ay dadaan lamang sa medical examination o assessment.

Pansamantala ring ipinagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa lalawigan.

Sa ngayon, may higit 80 pasyente na RT-PCR-confirmed COVID-19 cases habang nasa 160 ang nagpositibo sa antigen test sa Marinduque.

    0