BULGAR

Feb 7, 2023

Convenience store hinoldap

@Balitang Probinsiya | Pebrero 7, 2023

BATANGAS — Dalawang holdaper ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa panghoholdap sa isang convenience store kamakalawa sa Bgy. Quiling, Talisay sa lalawigang ito.

Ang hinoldap ay ang AlfaMart convenience store sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagpanggap na kostumer ang dalawang hindi kilalang suspek saka tinutukan ng baril ang kahera at mabilis na kinuha ang laman ng kaha na mahigit P12,000.

Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa ngayon ay naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang dalawang holdaper.

    0