BULGAR

Apr 4

Commercial buiding, nasunog

@Balitang Probinsiya | ngayong Ika -4 ng Abril, 2024

CAPIZ -- Isang commercial building ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Brgy. Lawa-an, Roxas City sa lalawigang ito.

Ang nasunog na commercial building ay pag-aari ng pamilya Pagulong sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, nakita ng mga saksi na biglang sumiklab ang sunog sa naturang commercial building.

Nabatid na mahigit dalawang oras ang lumipas bago naapula ng mga bumbero ang apoy, samantalang wala namang iniulat na nadisgrasya matapos ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para mabatid ang sanhi ng sunog.

 

    0