BULGAR

Nov 3, 2023

Comelec office sa Sta. Margarita, Samar, nasunog

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023

Isang sunog ang sumiklab sa lokal na opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Margarita, Samar, ayon kay poll chairman George Garcia ngayong Biyernes.

Ani Garcia, walang dapat ipag-alala dahil tapos na ang proklamasyon ng mga nanalong opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Sta. Margarita.

"'Yung kopya ng certificate of canvass of votes, ang proclamation ng mga barangay at SK ay intact," dagdag niya.

Noong Miyerkules, inihayag ng Comelec na tapos na ang botohan at pagkuha ng resulta sa lahat ng mga barangay.

Naganap ang BSKE noong Oktubre 30, maliban sa pitong mga barangay sa Lanao del Sur at Samar na isinagawa ang halalan kinabukasan.

    0